“My Number” System (Social Security・Tax Number)
1 Mula October ay magsisimula nang ipadala ang ating mga sariling “My Number”!
◆ Malapit na pong magsimula ang “My Number System” dito sa Japan.
◆ Ang bawat isang tao ay may sariling numero, ito ay importante dahil ito ay kinakailangang gamitin sa mga pamamaraan sa munisipyo at iba pa.
◆ Mula ngayong October 2015, ang munisipalidad ay magpapadala po sa atin ng envelope (sa mga naka-rehistrong address sa munisipyo)
◆ Ang envelope ay may nilalaman na “Notification Card” kung saan nakasulat ang inyong sariling numero.
2 Pag-ingatang mabuti ang inyong “My Number”!
◆ Itago pong mabuti ang inyong “Notification Card”, huwag ninyo itong iwawala o sisirain.
◆ Huwag po ninyong ipagsasabi sa ibang tao ang inyong sariling numero, upang hindi ito magamit sa iligal na pamamaraan.
3 Tayo po ay bibigyan ng “Sariling Number Card”!
◆ Sa “Sariling Number Card”, nakasulat ang “My Number” na magagamit natin bilang ID.
◆ Mayroon din pong ibang munisipalidad, kung saan maaari ding makakuha ng residence certificate sa mga convenience store, kaya’t napaka –convenient.
◆ Para mabigyan ka ng “Sariling Number Card”, sulatan at ipadala ang application form na nakalakip sa “Notification Card” na ipinadala sa iyo.
4 Kung may katanungan?
◆ Maaaring tignan sa homepage o kaya tumawag po lamang sa telepono na naka-sulat sa ibaba. Maaari ding magtanong sa opisina ng munisipyo na inyong tinitirhan.
● Homepage
http://www.cas.go.jp/jp/seisaku/bangoseido/index.html
● Call Center
0570-20-0291(English/Chinese/Korean/Spanish/Portuges)
Mula October 1, 2015 hanggang March 31, 2016
Mula Lunes hanggang Biyernes 9:30am ~ 8pm
Sabado/Linggo/Holiday 9:30am ~ 5:30pm
(Hindi po available kapag New Year’s holiday)
❇May call charge kapag gumamit ng Navi- Dial.
コメントをお書きください